Updated LTO Fines And Penalties 2018

New LTO Fines And Penalties

Nagmamaneho ka ba ng sasakyan at naranasan mo na mahuli ng MMDA o pulis at hindi mo alam ang violation mo?

Sir, anong violation ko?

Eto ang madalas natin itanong sa nanghuhuli kung meron tayong violation at para na din makaiwas sa mga fines at penalties.

Epektibo ba? Minsan OO(kung may lagay), minsan naman hindi. Madalas bibigyan tayo ng violation ticket at worse case kukunin ang iyong lisensya.

Hindi masama kung ikaw ay mahulihan ng violation dahil ito’y magbibigay ng experience upang ikaw ay matuto at para hindi mo na maulit ang same error in the future, tama ba ako?

Ang mahirap lang dito ay kung tutubusin mo ang violation ticket mo na mas malaki ang halaga(may patong). Nangyari na ba to sa inyo?

Mahirap na makipagtalo sa mga corrupt na pulis(buhaya) dahil sigurado ikaw ang talo.

Para makatulong, mas maganda kung alam natin ang mga bagong fines and penalties ng LTO upang maiwasan natin magbayad ng malaki pag ikaw ay nahulihan ng taffic violations.

LTO Fines and Penalties

LTO (Land Transportation Office) NEW FINES AND PENALTIES
Based on DOTC JAO NO. 2014-01

1. Hindi dala ang lisensiya sa pagmamaneho – P1,000

2. Hindi dala ang OR/CR – P1,000

3. Walang lisensiya na dala – P3,000

4. Expired ang lisensiya na dala – P3,000

5. Nagmamaneho na rebokado, suspendido, hindi tamang restriction code, student permit ang dala na walang kasamang lisensiyadong driver – P3000

6. Paso (expired) ang rehistro ng minamanehong sasakyan – P10,000

7. Suspendido ang rehistro ng sasakyan – P10,000

8. Wala Sa rehistro ang ipinalit na makina, kaha o chasis – P10,000

9. Paglipat ng plaka o sticker sa ibang sasakyan o motorsiklo – P10,000

10. Sasakyan na may kulang o depektibong piyesa gaya ng ilaw, salamin, busina, preno – P5,000

11. Pagbabago ng kulay o disenyo ng sasakyan o ng parte nito na hindi akma sa orihinal na nakalagay na spesipikasyon – P5,000

12. Hindi nakasapatos habang nagmamaneho ng motorsiklo Itinaas ang multa nito at ibinase sa “all other violations.” – P2,000

13. Iba pang mga violations katulad ng mga sumusunod: multa P1,000

  • Illegal parking
  • Disregarding traffic signs
  • Beating the red light
  • Counter flow

Kung gus2 nyo makita buong listahan ng mga FINES AND PENALTIES, magtungo lang sa official LTO website.

Disclaimer:

YKN is not affiliated with LTO. This is for information purposes only.

Click here to read other articles:

Feel free to share this article...Share on Facebook
Facebook
Tweet about this on Twitter
Twitter

Speak Your Mind

*